Photobucket

Tuesday, March 22, 2011

meron akong kaibigan

naniniwala ka ba sa totoong kaibigan? kahit na nagaaway kayo. tampuhan, sagutan, deadmahan, asaran.. alam mo sa puso mo at ng buong pagkatao mo na kaibigan mo sya.

alam mo ba na meron akong ganon. hindi lang isa. marami sila. kami ng mga kaibigan ko, nag-aaway kami, nag mumurahan kami, nag-kakasakitan kami kung kailangan. bakit? kasi totoong tao kami. pero nangyayari yun dahil itinadhana kaming maging magkakaibigan simula noon, habang buhay. meron akong kaibigan na akala ko noon papatayin na ko dahil lang sa TAMPO. may kaibigan ako na umiyak dahil wala ako sa graduation nya at d ako kinausap. [si kevin yun] gumawa kami ng party para sa kanya. yung party na yun years ago, yun yung araw na namatay ang nanay ko sa singapore. nag away kami ni yap at lou dahil sa pagkain sa condo. nag away kami ni macmerla dahil hindi ako magising para sa promo ng "here  comes the bride" to think na hindi nya hawak ang promo na yun. at wala akong energy sa isang guesting. at hindi ko na sasabihin kung ano yun. :)

nagagalit ka sa kaibigan mo dahil? dahil sa expectations.. dahil sa pagmamalaki mo sa kanila na ganitong kaibagan yang si "kyeme" at si "kyeme" naman ayaw ka ilaglag. alam mo ba na ang kaibigan MINSAN mas higit pa sa ka-relsyon mo o pamilya? sa kaibigan mo, open ka, sa kaibigan mo honest ka, sa kanila pwede ka maging totoo. sila, pwedeng mong saktan at patatawarin ka. ibato mo ang sikreto mo at sama mo ng loob sa kanila, sila ang sasalo, pag hiningi mo ulit yun, may solusyon na sila sa problema at sakit na pinagdadaanan mo.

meron nga dyan na iiyak o mas apektado kaysa sa  nararamdaman mo, wag ka lang masaktan, siguro iba sa inyo, mga nanay o kuya o ate nyo na ang gumagawa nito? alam nyo ba ko? hahahaha! tawang tawa talaga ko... kasi mga kaibigan ko gumagawa nun sakin. ganon nila ko kamahal. at ganon ko sila kamahal. kung isa man sa kanila ang masasaktan at mahihirapan, ako ang front liner sa gyera na papasukin nila. eto ang relasyon namin. eto ang turingan ng friendship, hindi over night, hindi showbiz, totoong tao kami. kaya madalas kami masaktan. 

3 comments:

  1. Bihira lang may ganyang kaibigan, kaibigan na alam mong for keeps talaga..kaya, saludo ako sayo Angel, you are blessed and God will bless you more and more kasi totoo ka hindi nagpapakaplastic.. May you have more blessings to come.. :)

    ReplyDelete
  2. Good for you miss angelica you have a friend like them. Ako meron din ako mga kaibigan na katulad nila pero kokonti lng cla, kc ang mga tunay na kaibigan konti lang yan Like what you said "Yung mga totoong kaibigan" yung hindi matatakot na sabihin sau na mali ka, kahit masaktan yung nararamdaman mo, at mamahalin ka at tatanggapin ka ng buong buo kahit ano pa nagawa mo. Goodluck sau miss Angelica keep real always yan ang hinangaan ko sa pagkatao mo. Lagi kalang magpa-katotoo at marami mag mamahal sau.

    ReplyDelete
  3. ako madami akong kaibigan pero mabibilang ko lang sa mga daliri ng isang kamay ko ang masasabi kong TOTOO.

    nakakatuwang isipin na sa mga kaibigan mo dun ka nagiging totoo.

    ReplyDelete