Photobucket

Friday, April 8, 2011

walang titulo

bakit ang daming tao na napaka-insensitive? na hindi nila kayang i-respeto yung mga bagay na gusto mo at mga bagay kung saan ka magiging masaya. ang lagi lang mahalaga yung kaligayahan nila. yung sarili nila. pero yung pag papasaya sa iba, nakakalimutan nila. maraming takot sa mundo na magsalita ng nararamdaman nila, yung totooong emosyon nila dahil hindi sila handa na maging bukas sa mata at puso ng mga kaibigan nila o ng pamilya nila.
hanggang kailan ka magtatago sa tunay mong nararamdaman? masaya ka ba? mahal mo ba sya? mahal mo pa ba sya? bakla ka ba? sinungaling ka ba? ang dami natin tinatago sa sarili natin tapos ang laki ng hinihingi nating kapalit. yun ay ang maging totoo sila satin. paano mangyayari yun kung hindi ka naman totoo sa sarili mo?

ano ba ang mas matimbang? sabi nila, maging totoo ka sa sarili mo at sa ibang tao para yun ang ibalik nila sayo. sabi naman ng karamihan, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka mag mahal ng iba. tama diba? papano kung nasobrahan yung pagmamahal mo sa sarili mo? nakalimutan mo na ang iba. naging madamot ka na, kasi puro na lang sarili mo ang iniisip mo? sa sonrang mahal mo ang sarili mo, nakalimutan mo ng mag mahal ng iba. nakalimutan mo ng magbigay sa iba. lalo na sa taong nakalimutan naman mahalin ang sarili nya, para lang mahalin mo sya..