ang kalaliman at kababawan...
Monday, August 13, 2012
Taas kamay!! Bilib ako sayo!!
Tama na... Wag ka ng magpanggap. May hangganan ang lahat. May hangganan ang pananahimik ko.. Sobra sobra na eh... Tama na lahat ng kasinungalingan mo. Pinipilit kong intindihin kung bakit ka nagkaganyan,, pero nauuwi ako sa wala. Ilang pagkakataon mo na kong napaikot.. Napaniwala. Hayaan mo nang ako na lang ang naloko mo.. Wag mo ng lokohin ang mga natitirang tao sa paligid mo.. Nakakapanghina yung pagpapanggap mo tungkol sa ugali mo.. Hanggang sa huling pagkakataon.. Susubukan kong tuparin ang pinangako ko.. Pero pasensyahan na lang pag sukdulan na ko.. Hindi bottomless ang pasensya ko.. Paalala lang... Malapit ka na sa closing time...
Friday, April 8, 2011
walang titulo
bakit ang daming tao na napaka-insensitive? na hindi nila kayang i-respeto yung mga bagay na gusto mo at mga bagay kung saan ka magiging masaya. ang lagi lang mahalaga yung kaligayahan nila. yung sarili nila. pero yung pag papasaya sa iba, nakakalimutan nila. maraming takot sa mundo na magsalita ng nararamdaman nila, yung totooong emosyon nila dahil hindi sila handa na maging bukas sa mata at puso ng mga kaibigan nila o ng pamilya nila.
hanggang kailan ka magtatago sa tunay mong nararamdaman? masaya ka ba? mahal mo ba sya? mahal mo pa ba sya? bakla ka ba? sinungaling ka ba? ang dami natin tinatago sa sarili natin tapos ang laki ng hinihingi nating kapalit. yun ay ang maging totoo sila satin. paano mangyayari yun kung hindi ka naman totoo sa sarili mo?
ano ba ang mas matimbang? sabi nila, maging totoo ka sa sarili mo at sa ibang tao para yun ang ibalik nila sayo. sabi naman ng karamihan, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka mag mahal ng iba. tama diba? papano kung nasobrahan yung pagmamahal mo sa sarili mo? nakalimutan mo na ang iba. naging madamot ka na, kasi puro na lang sarili mo ang iniisip mo? sa sonrang mahal mo ang sarili mo, nakalimutan mo ng mag mahal ng iba. nakalimutan mo ng magbigay sa iba. lalo na sa taong nakalimutan naman mahalin ang sarili nya, para lang mahalin mo sya..

Tuesday, March 22, 2011
meron akong kaibigan
naniniwala ka ba sa totoong kaibigan? kahit na nagaaway kayo. tampuhan, sagutan, deadmahan, asaran.. alam mo sa puso mo at ng buong pagkatao mo na kaibigan mo sya.
alam mo ba na meron akong ganon. hindi lang isa. marami sila. kami ng mga kaibigan ko, nag-aaway kami, nag mumurahan kami, nag-kakasakitan kami kung kailangan. bakit? kasi totoong tao kami. pero nangyayari yun dahil itinadhana kaming maging magkakaibigan simula noon, habang buhay. meron akong kaibigan na akala ko noon papatayin na ko dahil lang sa TAMPO. may kaibigan ako na umiyak dahil wala ako sa graduation nya at d ako kinausap. [si kevin yun] gumawa kami ng party para sa kanya. yung party na yun years ago, yun yung araw na namatay ang nanay ko sa singapore. nag away kami ni yap at lou dahil sa pagkain sa condo. nag away kami ni macmerla dahil hindi ako magising para sa promo ng "here comes the bride" to think na hindi nya hawak ang promo na yun. at wala akong energy sa isang guesting. at hindi ko na sasabihin kung ano yun. :)
nagagalit ka sa kaibigan mo dahil? dahil sa expectations.. dahil sa pagmamalaki mo sa kanila na ganitong kaibagan yang si "kyeme" at si "kyeme" naman ayaw ka ilaglag. alam mo ba na ang kaibigan MINSAN mas higit pa sa ka-relsyon mo o pamilya? sa kaibigan mo, open ka, sa kaibigan mo honest ka, sa kanila pwede ka maging totoo. sila, pwedeng mong saktan at patatawarin ka. ibato mo ang sikreto mo at sama mo ng loob sa kanila, sila ang sasalo, pag hiningi mo ulit yun, may solusyon na sila sa problema at sakit na pinagdadaanan mo.

meron nga dyan na iiyak o mas apektado kaysa sa nararamdaman mo, wag ka lang masaktan, siguro iba sa inyo, mga nanay o kuya o ate nyo na ang gumagawa nito? alam nyo ba ko? hahahaha! tawang tawa talaga ko... kasi mga kaibigan ko gumagawa nun sakin. ganon nila ko kamahal. at ganon ko sila kamahal. kung isa man sa kanila ang masasaktan at mahihirapan, ako ang front liner sa gyera na papasukin nila. eto ang relasyon namin. eto ang turingan ng friendship, hindi over night, hindi showbiz, totoong tao kami. kaya madalas kami masaktan.
the farm is-t
napakadaming tunog ng neck ko nung na- head bang ako ni kevin. |
ang sarap balikan ng mga pictures na ito, ang saya saya ko. |
napaka tahimik ng lahat at kami lang ang maingay. tanging kaming tatlo lang. |
maayoos dapat ito kung d ako ginulo ni yap at sinabing, "pang promo na naman ba yan ng blog mo?" |
ang frindship picture :) |
kung maka "big-smile naman" |
a friendship moment with kevin |
ang aking mark nicdao talent na walang nagawang magic kay yap. |
the dragon pose. bet nya kasi maging model ng the farm. |
sa lahat ng nakakita nito. sana kayo ay nabigyan namin ng ngiti. tulad ng nagawa samin ng bakasyon namin :) |
Monday, March 14, 2011
hanggang saan ang kaligayahan mo?
saan nga ba dapat simulan ang pagbabago.. hanggang saan ka lang ba pwedeng mangako? ako lang ba ang naniniwala na may pagbabago? hanggang kailangan ka pwedeng saktan ng kaligayahan?
hanggang kailangan nga lang ba ang kaligayahan? o, meron ba talagang kaligayaha? panga-matagalan? o, panandalian?
nakakuha ka ng mataas na grade, dahil nangako ka sa nanay mo na magaaral ka na. sumaya ka, pero hindi mo sya kayang panindigan habang buhay.
nahalikan mo ang crush mo. sumaya ka. pag naging kayo na, sawa ka na. iba na naman ang gusto mo.
kinasal ka, sumaya ka. pagkatapos ng ilang taon, hiwalay na kayo.
kailan ba tayo makukuntento kung ano ang meron tayo?
kaialan ka ba liligaya sa sapat lang?
bakit ba tinatawag na "lang" ang "sapat"
hindi ba dapat, ang sapat ay sapat.

Tuesday, March 8, 2011
Ang Tipitim
Mahigit 10 years na kaming magkakaibigan. ang pakiramdam namin hindi kami tatanda. hindi magiging seryoso sa mga buhay namin. pero nakukutawang isipin na kahit iniiwasan namin na mag-mature, kusa pala yun na mangyayari.
si lou na ayaw magkaron ng sariling pamilya. lalo na ng anak. si lou na indyanera pero mukhang nagbabago na. dati na paiba iba ng pangarap. nag-nursing pero hindi naman tinapos. hanggang sa naging chef na sya ngayon. pagkatapos ng ilang restaurant na pinasukan nya. sa wakas ay nakahanap sya ng trabaho sa pagiging chef na magiging masaya sya. bilang ambassador sya ng intercon :)
si bianca na nahanap recently ang talaga naman na magpapasaya at magbibigay ng challenge sa kanya. ang styling. sa pagiging baguhan nya. makikita ang pagiging pursigido nya para matuto. masayang masaya kami para kay bianca na, nakikitaan naman ng potential. sana lang pag yumaman na sya. magbago na sya sa pagiging kuripot.
si kevin naman na simula pa lang sa umpisa ay sya na ang may pinaka diretsong buhay. pero pinaka isip bata samin. nagiisang mahilig sa anime. hanggang ngayon. hindi sya nag ka-jowa dahil mas pinili nyang mag laro ng game boy noon. pero sa kabila ng lahat. sya ang masasabing may pinaka tuwid na buhay samin, walang bisyo. mabilis malasing. hindi nag-aabsent sa trabaho. parating nasa top 10 simula high school years. ngayon naman. nurse na sya sa isang malaking ospital sa pilipinas. sa medical city. nasa top30 sya sa board, 2 years ago. sya ang nagpapaaral sa kapatid nyang si monay. pero ni minsan hindi nya nakalimutang balansehin ang buhay nya sa kaibigan, pag aaral, pamilya, trabaho at laro. ang pinaka bago sa kanya ay marunong na syang magpamasahe ngayon.
si jhen naman ay nagpaksal din 2 or 3 years ago sa long time boyfriend nya. si jhen na kahit mabigat ang problema, ginagawa nyang "cute" ang sitwsyon. sa aming lahat sya ang masasabi ko na pinakamabilis patawanin. bukod kay yap. o... kaming lahat? lahat nga yata kami mabilis tumawa. pero sa mga sarili lang naming mga jokes. manganganak na si jhen ngayong march. karamihan sa amin ay ninang. walang ninong dahil babae o bakla lang naman kami sa barkadahan. si jhen ang kaisaisa sa grupo namin na nasa ayos ang lahat. nagpakasal bago nag karon ng anak.
si patty naman o yap. ang pinaka maharot at pinaka kaladkarin sa lahat. napaka laid back ng buhay ng baklang ito. mababaw ang kaligayahan pero mataas ang pangarap. ang maganda sa mga pangarap nya, walang makakapigil dun, alam nya kung ano ang gusto nya. sya din ang reyna ng raket. lahat na yata ng klase ng trabaho napasok nya. at d sya papayag na hindi sya maging successful dito. isang katangian nya na kiniinggitan hindi lang namin. kundi ng marami. kaya naman may mga tao na hinihila sya pababa dahil nakikitaan sya ng threat sa pagiging maabilidad nya. sya ang masasabi ko na pinakamsayahin sa aming lahat. kahit umiiyak na sya, tawa pa din sya ng tawa. hindi nya kasi kayang umiyak ng seryoso. sya na nga yata ang may pinaka makulay na buhay samin. kaya naman sya ang payaso ng buhay namin.
ako naman? kakatapos ko lang sa roller coaster ride ko. nahihilo pa ko. natatakot pa ko sumakay ulit. masaya muna ko manood ng buhay at tagumpay ng ibang tao. lalong lalo na ng mga taong mahal ko sa buhay. :)
Subscribe to:
Posts (Atom)